Kahit nagngangalit ang hangin…

Kahit nagngangalit
ang hangin dito,
tumatagas din ang sinag
ng buwan sa siwang ng yero
ng lumang bahay na ito.

Izumi Shikibu