Malambing na pagtugtog,
ngunit hindi ka naaaliw sa lambing nito.
Itinuro sa iyo ng mga araw:
sa bawat mahabang digmaan
may nakaupong sundalo, tuliro ang mukha
at karaniwan ang mga pangil,
sa tabi ng kanyang tolda,
yakap ang silindrong kumikinang ang tunog
na iningatan niya sa alikabok at pagdanak ng dugo/
at tulad ng maamong ibong walang kinalaman sa labanan
umaawit siya para sa sarili ng awit ng pag-ibig na hindi nagsisinungaling.
Sa isang saglit,
pinahihiya siya ng titig ng liwanag ng buwan:
ano ang silbi ng silindro sa impiyerno?
May aninong lumalapit, saka mga anino,
ang mga sundalo, isa-isa,
ay nakikisabay sa kanyang awit,
dinadala ng musikero ang buong batalyon sa balkonahe ni Romeo/
at mula roon, nang hindi nag-iisip, nang walang pag-aatubili,
walang awa,
walang pag-aalinlangan,
ipagpapatuloy nila ang pagpatay!
Mourid Barghouti