Sa araw na mapapatay ako,
ang papatay sa’kin, kung kakapkapan ako,
ay makahahanap ng mga tiket pambyahe:
Isa tungo sa kapayapaan,
isa tungo sa kabukiran at ulan,
at isa
tungo sa budhi ng sangkatauhan.
Mahal kong mamamatay-tao, nagsusumamo ako:
Huwag kang magpaiwan at huwag mong sayangin.
Kunin mo, gamitin mo.
Nakikiusap ako sa’yo, lumakbay ka.
Samih al-Qasim