Sa hanay ng matayog na tore ng bantay

“Kailangan nating makatakas mula rito,” wika ng payaso sa kawatan.
“Puno ang lahat ng ligalig, at wala nang kaginhawaan.
Nilalaklak ang aking alak ng mga mangangalakal, kahit ang aking lupa ay kanilang binubungkal.
Wala ni isa sa kanila ang may alam kung ang lahat ba ng ito ay may katuturan.”

“Walang dapat ikataranta,” magiliw na tugon ng kawatan,
“Pakiramdam ng marami, ang buhay ay isa lang malaking kalokohan.
Ngunit napagdaanan na natin ito, at hindi ito ang ating kapalaran,
Kaya’t tigilan na natin ang ganitong kabulaanan, lalo pa’t gumagabi na.”

Sa hanay ng matayog na tore ng bantay, ang mga prinsipe ay nakatunghay,
Samantalang ang mga babae ay labas-masok, maging ang mga aliping nakayapak.

Sa labas, sa di kalayuan, ang mabangis na pusa ay umuungol,
Dal’wang mangangabayo ang paparating, ang hangi’y nagsisimula nang umugong.

Bob Dylan

Discover more from Patrick F. Campos

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading