Kayong mga mangmang na tanung nang tanong kung ano ang diyos
ang dapat n’yong itinatanong ay kung ano ang buhay.
Maghanap kayo ng daungan kung saan namumunga ang mga punong limon.
Magtanong tungkol sa kung saan maaaring uminom sa daungan.
Magtanong tungkol sa mga umiinom.
Magtanong tungkol sa mga punong limon.
Magtanong nang magtanong hanggang sa wala nang maitanong.
Ko Un