Ang Mga Puno ng Taglamig

Ang lahat ng komplikadong detalye
ng pagbibihis at pag
huhubad ay natapos na!
Ang buwang malabnaw
banayad nang umaagos sa
pagitan ng mga sanga.
Sa gayong paghahanda laban sa tiyak
na pagsibol ng taglamig
ang mga punong pantas
ay nakatindig kung matulog sa lamig.

William Carlos Williams

Discover more from Patrick F. Campos

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading