Taoing

Ang daang madaraanan
ay ‘di tunay na daan.
Ang ngalang nasasambit
ay ‘di tunay na pangalan.

Ang kalangitan at sanlibutan
ay nagmula sa walang ngalan:
Ang pangala’y nanay
ng sampung libong mga bagay.

Kaya’t ang kaluluwang walang naisin
ang nakasusumpong ng nakukubli,
at ang kaluluwang puno ng pagnanais,
nakasusumpong lamang ng ninanais.

Dal’wang bagay, iisang pinagmulan,
ngunit magkaiba ang pangalan,
na ang kaakuhan ay misteryo.
Misteryo sa lahat ng misteryoso!
Ang lagusan tungo sa nakukubli.

Lao Tzu