Dalawang Hintuan

Dumarating ang bus
bago mo matapos ang tula.

Hindi pa ba sapat
na pasuray-suray ang buong buhay mo?
Kailangan pa bang yugyugin ng bus
ang kuwaderno sa iyong mga kamay?

Hindi sapat ang dalawang hintuan:
Mangarap tayo ng bus
na hindi kailanman dumarating.

Najwan Darwish