Ang Simoy na Ito

Nasa ikawalumpu’t tatlo mong tahanan ka na
sa gitna ng mga Turko, mga Armenyo, mga multo ng sinaunang mga Griyego,
sa gitna ng mga bangungot mo, na nagmumula lamang
sa tinubuang-bayan,
na para bang ang mga ito na lamang ang tahanan mo . . .

Tama na ang pagbibilang.
Wala kang tahanan
maliban sa simoy na ito.

Najwan Darwish