Kung kailangan kong mamatay,
kailangan mong mabuhay
upang isalaysay ang aking kuwento
ipagbili ang aking mga gamit
makabili ng kapirasong tela
at ilang pisi,
(gawin mong puti, na may mahabang buntot)
upang ang isang bata, sa kung saang dako ng Gaza
habang nakatitig sa mata ng langit
at naghihintay sa amang naglaho sa lagablab—
at hindi nakapagpaalam kaninuman
ni sa sarili niyang laman
ni sa sarili niya—
ay makita ang saranggola, ang saranggola kong ginawa mo, na lumilipad sa itaas
at saglit na isiping may anghel doon
na nagbabalik ng pag-ibig
Kung kailangan kong mamatay
maghatid nawa ito ng pag-asa
maging kuwento nawa ito
Refaat Alareer