Tulad ng tulay ng Bizantino na ang nagtayo’y nanumpang
magpatong ng mga ladrilyong pinatuyo sa araw sa lahat ng panig
hanggang sa matapos ito.
Mula sa Mu’allaqa ni Tarafa bin Al-Abd (ca. 543–569 CE)
Nasa kalagitnaan ka ng Setyembre,
at ang buhay ay tulay sa panaginip.
Ito ba, kung gayon, ang tulay ng Bizantino?
Tinatawid mo ito
patungo sa lahat ng dako,
at nahuhulog ka mula rito
kapag nagwakas ang panaginip.
Huwag mong sabihin sa aming bihag ka
at walang tutubos sa iyo.
Huwag mong sabihing naging
panaginip lamang ang buhay mo
sa mga lupain ng Bizancio.
Najwan Darwish