Ang Isidora, kung gayon, ay siyudad ng kanyang mga panaginip: na may isang pagkakaiba. Hinalina siya ng pinapangarap na siyudad noong kanyang kabataan; nakarating siya sa Isidora sa kanyang katandaan. Sa plaza, mayroong pader kung saan nakaupo ang mga matatandang nakatunghay sa mga batang nagdaraan; nakahilera siya kasama nila. Ang mga ninanais noon ay alaala na ngayon.
Italo Calvino