Isang turnilyo ang nahulog sa semento
Sa karimlan ng gabi ng paglalamay
Una ulo nang mahulog, at halos walang tunog
Walang natawag-pansin, ni katiting na tugon
Kagaya noong kamakailan
Isang gabing katulad ng lahat
Nang mayroong malaglag, una ulo,
sa malamig na semento
Xu Lizhi