Mga Bilog na Tula

Twing day-off ko, nagsusulat ako ng bagong tula.
Ibig bang sabihin nito ay di ka dapat magtrabaho, o na
magaling ka lang magsulat pag day-off mo?

Ito, halimbawa, ang tulang sinulat ko kanina.

*

Nung bente sya, na-gets niya ang ilang sikreto ng buhay,
at binalak nyang isulat to sa simpleng salita
na kahit ang engot ay makaka-gets.
“Dahil,” paliwanag nya sa sarili nya, “kung di ko ‘to kayang gawin,
di ko ‘to talaga gets.”

Napatunayaan nya sa sarili nya na tama sya.
Nung mag-singkwenta sya, di na rin nya ma-gets.

*

“Bakit ba,” sabi nya, “na kahit anong sabihin mo,
pepersonalin ng babae?”

“Di kaya,” sagot si babae.

*

Sabi ni Juan, “Tapos nakilala ko yung babaeng morena at
at medyo seryosong magsalita, na ang pangalan ay parang bukang-liwayway.”

“Si Luna Sicat ba tinutukoy mo?”

“Sya nga.”

“Buwan ang Luna.”

Lew Welch