Pagliko sa kanto ng parirala
nagbabalik ka, madaling araw sa isang libro,
sa isang hardin, tanaw
ang lahat, ang hamog, ang gamu-gamo
sa dahon at ikaw
na dagliang umaahon sa pagitan ng mga pahina
at ang libro ay lalong gumaganda
dahil sa’yo
hindi ka tumatanda, dahan-dahan
kung lumakad sa pintuan.
Claude Esteban